Entries for December, 2007
December 5th, 2007
PS2 Repair POSTED AT 02:02 AM For the past few weeks sira yung PS2 ko. Pumipili sya magbasa ng CD, so pinacheck up ko muna sa min. Sabi nung technician sira daw yung modified chip para magbasa ng pirated. 1.3k daw yung charge para sa chip at may 2 free games na kasama. So ako naman desperate na maglaro ulit pinaayos ko kagad at nagbayad ng 1.3k! Pagkuha ko, umuwi kagad me at naglaro kagad. After 3 days later, sira nanaman sya, namimili nanaman ng CD. So binalik ko ulit, pina-diagnos ko muna at test for almost a week. Pagbalik ko, di raw nya ma determine kung anu raw yung problem, wla raw problema sa lens at yung chip ok naman daw. Inis na inis ako kasi parang di sya marunong sa ginagawa nya (poor cust service), so inumwi ko nalng yung PS2 unit baka lalo pa masira. The next day, niyaya ko friend ko na samahan ako sa greenhills para maghanap ng repair shop para sa unit. Pagdating namin dun, nakahanap na kme ng repair shop. Todo troubleshoot yung tech guy. At na found out namin na yung sira ay yung lens tlga. (asar!) 2k daw yung lens, normally 2.5k yung lens so nakatipid pako. Tinext ko pa yung tech guys samin kung magkano yung lens sa kanila aba tumawag at nagupsell na 1.8k lang daw sa kanya. Pero wla nakong tiwala sa kanya kya dun nako sa 2k. Sa wakas makakalaro ulit ng mga latest games sa PS2 games.
![]() Currently feeling: happy 2 Violent Reaction
|
|
Resignation POSTED AT 07:36 PM Just passed my resignation letter last 11/30/2007, effective 01/01/2008 I'm no longer with the company anymore. I'm already decided, to change the path of my life. I'm not sure what is God's plan for my life and I'm also not sure what's my plan for my life. I'm so jealous of my elder brother because he has already made plans in his life. I'm planning to search for a normal job that doesn't require to take calls and also planning to study MBA by the next sem. Lastly, I'm going miss all my friends at office, my batchmates, the rich kidz, the dota boyz and many more. But this is life, I have to follow the light in order to attain my dreams in life. I'm going to miss you all! I'm not going to say goodbye to you all, its because we're going to see other again my loyal friends! Currently feeling: sad |
|
December 7th, 2007
First Blood! POSTED AT 01:59 AM While waiting for the countdown of the effectivety of my resignation date. I noticed that one of my comrades in the dota boyz hasn't been in work for days, itago nalang natin sa pangalan na "vinsanity". Medyo nagtataka ako kasi medyo matinong tao yun pag dating sa SA (schedule adherence). Nung patapos na shift ko today, biglang nagpakita sya at may dalang dalang na brown envelope. Nagulat ako at ngayon ko lang nalaman na nagresign na pala sya. Nagpass na sya ng 30 days notice last 11/03/2007. Hay, mukhang isa isa na kme mawwla sa office. Its funny to say this but I'm going to miss that guy, kasi isa sya nagpapatawa sa grupo namin. Laging pinapansin yung status ko kung nakavail ba or aftercall at medyo mahina ito nakgetz kapag kinuwentuhan mo. hehe. at syempre isa sya sa dota boyz na laging present kapag may laban! We're going to miss dude! Goodluck nalng sa career mo! Sa mga dota boyz, kahit maghiwalay hiwalay na tayo at maiba't ibang career na. Ang DOTA ay jan pa rin or iba pang games, so magkikita pa rin sa killing fields! peace! Currently feeling: sad |
|
December 20th, 2007
Reminiscing X’mas POSTED AT 08:05 AM 5 days nalng at Christmas na. For the past few years di ko masyado naramdaman tong panahon nato, ewan ko ba kung masyado ba akong busy sa work or dahil tumatanda nako at di na nakakareceive ng gifts. Pero ang Christmas is not all about gifts that you receive, its about celebrating the birth of our Lord Jesus Christ. Pero sa totoo lang, namimiss ko lang mga friends ko way back at college. Because we used to celebrate Christmas party every year. Pumupunta kme sa isang house at dun namin ginaganap ang party. As usual may kainan, inuman, asaran, exchange gifts, karaoke at maglaro ng charades. haay. kay tagal narin. Minsan nga kapag malapit na ang pasko or new year, nagroroad trip kme. Pumunta sa tagaytay, magpapalamig lang or punta kme sa enchanted kingdom para manood ng fireworks at sumakay ng theme rides. Ngayon, may sarisarili na kmeng mga lakad at may issue kme sana magkta ulit kme at maulit ang kasayahan. Currently listening to: callsCurrently feeling: sad |
|
December 30th, 2007
Busy Friday POSTED AT 06:29 AM I have so many plans last friday like watching dvd marathon at home, or play DOTA with the dota boys at arena. All of that was cancelled because my lola asked me to take her to the Phil. Heart Center to have her leg check (may parang skin cancer sya sa right leg nya). So umalis kme ng after lunch kasi 2pm yung appointment nya. Super layo pala nun at traffic. Nagshortcut pa kme pumunta kme españa then ikot sa quezon ave. Sakto lang ang pagdating namin dun (2pm) pagdating sa clinic tinawag na ung doctor. After 1 hour wla pa rin yung doctor nasa kabilang building daw may kausap daw. Asar. Nagmamadali kme pumunta dun sabay wla pa sya. Pagkatapos gamutin ung sugat ni lola. Pumunta na kme ng MOA. Nagyaya kasi si JJAVA na manood ng SSS (Sakal, Sakali, Saklolo) ni juday. Habang nanonood kme ng sine, naglalaro naman ng bingo si lola. Kasama namin manood ung bunsong kapatid ko, nakakatawa yung movie its all about family and values. Nung patapos na ung movie, biglang may naririnig kme sa loob ng sinehan (boom, boom) at nanginginig yung ceiling. Biglang natakot kme, tumayo na si JJAVA at kapatid at nagyaya na lumabas na kme ng sine bago may mangyari pa. Paglabas namin, nakita namin tumatakbo ang mga tao sa labas, may sumunod saming lalaki at nagtanong sa ticket lady na anu daw nagyayari and sagot ng babae ay "fireworks lang po un sir". Laking gulat namin ni JJAVA at medyo napahiya kme. hehe. Sabay balik ulit kme sa loob para matapos yung movie. haha. Pagkatapos manood ng movie, nakipagkita kme sa parents ko at sa balik bayan kong pinsan na galing US sa Italiannis. Trineat kme ng pinsan ko dun. Nagkwentuhan kme about his work in the US, PT kasi sya dun. Kasama nya ang wife nya at anak nya. Nakbili na sila ng house at 2 kotse. Sikap at tyaga lang daw. Pinapaaral nga ulit ako ng PT para maging assistant daw ako dun. I'll think about it sabi ko. Buti pa sya dami na sya naiipon, may future na. Ako kya anu kya plano ko sa buhay ko? Currently feeling: awake |
|
January 1st, 2008
Happy New Year to you all!!! POSTED AT 03:12 AM
Currently listening to: Iyugyog mo! Currently feeling: excited |
|
" width="810" height="600">











